Friday, January 14, 2005
temptation
Bakit kinailangan kong bumalik sa nakaraan?
Tanong ko Sa'yo, Ama sa kalangitan
Nais ko lang namang maunawaan
Sapagkat ako'y nagugulumihanan.
Siyam na araw din ang inilagi ko doon,
Ngunit di ko ninais manira ng relasyon
Anong dahilan Mo sa pangyayaring iyon?
Bakit tila nanunubok ang bawat pagkakataon?
Bakit Mo ipinaalala ang nakalipas sa akin?
Ang kahapong kaytagal kong pinilit limutin.
Masakit tanggapin sa isipan at damdamin
Dahil kagustuhan Mo'y mananaig pa rin.
Kung ano ang mabuti Ikaw ang may alam,
Kaya buo ang pasya ko sa aking mga tinuran
Upang masunod ang Iyong kautusan,
Ngayon hiling ko ang Iyong kapayapaan.
(sinulat ko noong...di ko na pala maalala ang date... basta ito'y ayon sa mga pangyayari noong Christmas break. di ko kase napost nun.)