Sunday, June 19, 2005
nasaan sila?
Mugto na ang aking mga mata habang pinagmamasdan ko ang tahanang kumandong sakin mula pa sa aking kamusmusan. Unti-unting nagiging buhay ang mga ala-alang sa tagal ng panaho'y ni halos di na maukit sa aking gunita. Naririnig ko ang halakhak ng mga tao sa labas, ang ingay ng mga traysikel na nagdaraan, at ang masayang paglalaro ng mga batang di pa nababahiran ng kahirapan sa mundo.
Nasa kusina si Mama, abala sa paghahanda ng aming almusal. Si Auntie Myrna naman ay nagwawalis na sa bakuran at si Auntie Mema ay gumagayak na rin para sa pagbubukas ng tindahan. Nasa taas si Manang Maricel, kinukuha ang mga maruruming damit para kanya nang malabhan. Hindi ko na napansin kung nasan sila Manang Olive at Auntie Liza. Si Papa nama'y tiyak na paparating na rin galing sa bukid. Di ko na namalayan ang kanyang pag-alis kaninang bukang-liwayway. Maaga kasi siyang pumupunta doon. Tiyak mahimbing pa ang aking tulog sa mga oras na yaon.
Pagpatak ng mga bandang alas-siete, sabay-sabay na kaming kakain ng almusal. Si Ate mamaya na lang kakain kasi sarap na sarap pa siya sa kanyang tulog. Di bale Sabado naman ngayon, walang pasok. Eksayted na ko para sa araw na 'to. Makikipaglaro ako mamaya kina Myra at Joy kasama ng iba pa. Patintero, luksong-tinik, taguan at siyempre pataasan na naman kami ng maaabot na stage sa Super Mario. Gagabihin na naman ako ng uwi nito. Okey lang, sasabay na lang ako kay Auntie Mema mamaya. Sigurado papayag yun kasi walang manggugulo sa kanya sa tindahan.
Haay... pagod na ko sa maghapong paglalaro. Pagkatapos kong kumain ng hapunan, matutulog na ako. Ayoko na ring manood ng telebisyon. Mas gugustuhin ko pang matulog na lang para bukas maaga akong magising. Sasama ako kay Mama sa simbahan. Ipagdadasal ko sa Diyos na sana honor pa rin ako sa klase para kahit papano mapasaya ko naman sila.
Kaninang umaga, nagising akong halos nabibingi sa katahimikan. Bumangon ako't dumiretso sa kusina. Wala pang almusal. Nasaan kaya si Mama? Tumungo ako sa bakuran sa pag-aakalang naroon siya kasama nila Auntie. Hinanap ko sila ngunit walang sinuman ang naroon. Nasaan kaya sila? Sinong kasama ko dito sa bahay? Si Ate baka tulog pa. Masilip nga sa kanyang silid. Wala rin. Bakit kaya? Naghintay ako ng isang oras para sa pagdating ni Papa pero mataas na ang sikat ng araw wala pa rin siya. Nasaan sila?
Muli kong pinikit ang aking mga mata. At kasabay ng aking pagmulat ang walang humpay na pag-agos ng aking mga luha. Damang-dama ko ang pangungulila sa tahanang naiwang mag-isa.