Sunday, February 05, 2006

i need your presence

bakit nga ba sa buhay kelangan nating madapa?
isa, dalawa, tatlo...
ilang beses ba ako dapat magalusan upang matuto ako
--na sagad sa aking buto?

madami akong hinaing na pilit kong ipinagpapasa-Diyos na lang.
madami akong nais gawin
ngunit nakatali ako sa mga bagay na pilit kong tinatapos,
at minsan parang nais ko ng sumuko.

ngunit dama ko ang pangangailangang
tapusin ang aking sinimulan.
gaano man kahirap, gaano man kabagal ang pag-usad,
magdulot man ito ng aking kamatayan.

alam kong di 'to bakas sa iyong nakikita,
ako'y nagdurusa,
naghihirap,
naghahanap ng pagkalinga.

ayokong maging madrama ang entry na 'to.
ayokong kaawaan ako.
ngunit hindi biro ang ginagawa kong
pagtugon sa lahat ng responsibilidad ko.

minsan kapos sa budget,
minsan kulang sa pagkain,
madalas walang tulog,
palagi pang praning.

hindi ko na nga dapat sinasabi ito,
ngunit hirap na rin talaga ako.
nais ko lang huminga --bumuntong hinga
nais ko lang maglabas ng ... ng mga paghihirap ko!

minsan dumarating din ako sa punto
na parang gusto ko ng talikuran ang pinaninindigan ko
ngunit anong kabutihan ang maidudulot nito
kung ako ay susuko?

pinilit kong ipagwalang-bahala
ang lahat ng emosyong kaakibat nito (robot)
sa paniniwalang mas magiging produktibo ako.
ngunit...

tao lang ako at minsan ay
sabik din akong makadama ng isang yakap--
yakap na tugon ng taong nagmamahal (sana)
...at minamahal.

minsan nga parang naghahabol na ko ng oras
na kelangan ko ng magmadali... (pressured!)
hanggang kailan?
hanggang kelan ako mag-iisa?

kelangan ko ng tulong mo.
tulungan mo ako sa aking mga pagdurusa.
("i want to know if you will stand in the center of the fire with me and not shrink back")
kelangan kita.
mahal kita.

oo, wala na ngang dapat na itago pa
noon pa'y alam mo na rin pala,
mahal nga kita at
...alam kong dama mo.

(God bless me.)

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?